Noong unang panahon, may isang batang nakatira sa isang malayong gulod. Pina ang pangalan niya. Sa tuwing may ipagagawa o ipahahanap ang knayang ina, laging ganito ang knayang sinasabi:
“Hindi ko po makita ang palayok.”
“Hindi ko po makita ang gunting.”
“Hindi ko po makita ang tabo.”
Minsan, nagkasakit ang Nanay ni Pina at inutusan siyang magluto. Matutulog na sana ang maysakit nang marinig na naman niya ang tinig ni Pina.
“Nanay, hindi ko po makita ang sandok.”
“Naku, Pina, magkaroon ka sana ng maraming mata nang makita mo ang hinahanap mo!” sambit ng ina.
Nakatulog ang Nanay ni Pina. Nang magising siya, wala pa rin ang kanyang anak. Hinanap niya ito sa palaruan at sa mga kapitbahay. Wala raw nakakita kay Pina.
Isang araw, aalis na muli ang ina ni Pina upang hanapin ang nawawalang anak. Napansin niyang may tumutubong halaman sa may tabi ng kanilang hagdan. Noon lamang siya nakakita ng ganoong halaman. Matutulis at matitinik ang mga dahon nito Ang bunga ay bilugan na parang ulo ng tao at maraming mata. Nag-isip ang ina at nasabi niya sa kanyang sarili, “Marahil, ito ang anak kong si Pina.” Dahil sa pagmamahal sa anak, inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag niya itong “Pina.” Sa paglipas ng panahon, ang “pina” ay naging “pinya.”
No comments:
Post a Comment