Thursday, April 10, 2008

Alamat ng Sari-manok

Mahalagang sagisag ng mga kapatid nating Muslim sa Mindanao ang sari-manok. Mayaman sa katha at mga kuwentong-bayan ang tungkol sa simu-simula ng sari-manok. Alamin natin.

May kaisa-isang anak na dalaga ang sultang Maranao sa Lanao. Maganda, mabait, magulang, at matulungion si Sari. Hindi kataka-takang mapamahal sa Sultan at sa mga tao si Sari.

Nang sumapit ang ikalabingwalong kalarawan ni Sari, isang malaking piging ang iginayak ng USltan para sa kanya. Ipinagdiwang ito sa malawak na bakuran nina Sari. Nagagayakan ang buong paligid. Talagang marangya at masaganang salu-salo ang inihanda ng Sultan sa pinakamamahal niyang anak.

Masayang-masaya ang lahat. Nang biglang may lumitaw na malaking-malaking manok na tandang. Nagulat ang balana. Hangang-hanga sila sa magarang tindig ng manok. Lalo pang nagulat sila nang sa isang iglap ay nagbago ng anyo ang tandang na manok. Naging isang napakakisig na prinsipe ito. Magalang itong bumati sa lahat at Pagkatapos ay nagsalita nang malakas.

“Naparito ako upang kunin ang dalagang minamahal ko. Siya ay Matagal ko nang inalagaan, binantayan, at minahal,” ang sabi ng mahiwagang prinsipe. Lalong nagulat ang lahat at halos walang nakakilos o nakapagsalita man lamang.

Muling nag-anyong tandang ito at kinuha ang dalagang binaggit niya na walang iba kundi si Sari. Lumipad itong paitaas. Mula noon ay hindi na nakita pa si Sari at ang manok.

Lungkot na lungkot ang Sultan. Hinintay ang pagbabalik ni Sari at ng manok. Ngunit hindi na sila nagbalik. Iniutos ng sultan sa pinakamagaling na manlililok ng tribu na lumilok sa kahoy ng magilas na tandang na iyon na tumangay sa kanyang anak.

Nayari ang isang napakagandang lilok sa kahoy. Ito ay mahal na mahal ng Sultan. Tinawag niya itong sari-manok. Naging simbolo ito ng tribu.


Maraming naging kapaniwalaan tungkol sa sari-manok. Maraming salaysay tungkol rito. Ang sari-manok ay naging sagisag din ng pagkakaroon ng dugong bughaw, katanyagan, kayamanan, at karangalan. Ang simbolong sari-manok ay dapat ipagmalaki ng bawat Pilipino, pagkat ito sa kasalukuyan ay isang sagisag ng ating bansa.

May iba pang mga palagay at haka-haka tungkol sa sari-manok. Ito raw ay gintong ibon na ayon sa iba ay siyang nagdala sa mga tao sa pulo ng Mindanao ng maraming biyaya.
Anuman ang hiwagang nakabalot hinggil sa sari-manok, ito ay mananatiling sagisag ng mga kapatid na Muslim sa Mindanao isang likhang sining at mapa na ng ating mga ninuno.

19 comments:

Felix Malicsi said...

maraming salamat :))

Unknown said...

Maraming salamat! Ang Sarimanok ay simbolo ng ABS-CBN Channel 2 Station ID noong 1993.

Unknown said...

Thank u!

Unknown said...

sino po yung author?

Unknown said...

Saang bayan nanggaling ang alamat ng sarimanok?

Unknown said...

Salamat sa pagbabahagi ha

Unknown said...

Ano ang mensahe?

Unknown said...

Sa bayan ng Tugaya, Lanao Del Sur. 😊

Unknown said...

Ano po ang lesson??

Unknown said...

Sino sino ang nga tauhan

Unknown said...

Sino sino ang nga tauhan

Unknown said...

Ano ang kalagayan ng pinagmulan nito

Unknown said...

Sino po ang awtor ng sarimanok?

Unknown said...

Anong kultura ng mga Muslim ang sinasalamin sa “Alamat ng Sari-manok”?

Unknown said...

Bkt nagpalilok ang sultan

Unknown said...

anong tradisyon meron sa alamat ng sarimanok

Unknown said...

Ano po yung lesson dito?

Unknown said...

Ano ang paksang pangungusap ng Sarimanok

Unknown said...

Ano Ang paksang pangungusap (tauhan) ng kwentong sarimanok